Friday, May 1, 2009

Full Circle

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjbW6JWKV_t0I9a_B2sQUokt4kxCp6EZDY0KVnctS3nwV2TYrwnFmcs59eQzQzdCGlzf7xp68ITz3q9GQ3vejoEyNFCyRub6bX87cuiJsgYWIwZ7ISTcewkcl-RZ-x-_cjcUvwqdk56C7k/s200/AAfull.jpg
Umaga.

Iminulat mga mata.
Hudyat ng bagong panimula.
Tumitilaok na manok
tila inaanunsyo sa mundo
isang pag-asa
sa gitna ng delubyo.

Dumaan ang tanghali.

Ang pangarap
ay unti-unting napawi.
Simula nang masinghot
masamang hangin,
pinupuno ang kaisipan
ng maruming hangarin.
Nabahiran na ng kadiliman
busilak na kalooban.

Hanggang sa nag-gabi.

Pag-asa’y tuluyang napawi.
Dala-dala ang kabiguan
hanggang sa libingan.

Balik lang ang lahat
sa kung saan nagsimula.


Sa wala.

1 comment: