Friday, May 1, 2009

Pause

Sa sinag ng poste ng Meralco:
mga batang nagsasaya,

mga matatandang malalalim ang iniisip,

mga taong walang pakialam.


Sa minsanang pagkakataon,

namatay ang ilaw.


Lumaganap ang kadiliman.


Ang lahat ay

panandaliang 
nagkaisa.

Hiyawan.


Maya-maya, nagkakuryente na.


Ang iwanag ay nagbalik.


Walang ibang maipakita... kundi ang mga dating naroon na.




No comments:

Post a Comment