Thursday, April 15, 2010

Batak (Draw Shot)

Ako na ang titira.
Sumisipat na para sa susunod na bola.
Sa isang bilyaran malapit sa eskwela,
kasama ang mga barkada.

At may mga nag-iinuman sa kabilang mesa.
Tatlo, o apat ata sila,
'di ko na gaano maalala.

Katahimikan.

Focus...


"PUTANG INA MAHAL KO SIYA!!!",
sigaw ng isa.


Lahat ay nabigla.
Nadama ang pighati sa hiyaw niya.
Hala! Si kuya nabaliw na!
Humihikbi pa?!

Tinawanan ko lang noon si kuya.
Pero ngayon,

parang 'di naman pala nakakatawa...


WAITER!! ISANG BUCKET PA!!!