Thursday, April 30, 2009

Ferris Wheel


Paulit-ulit. Paikot-ikot.
Taas…
Baba…
Taas…
Kasimpleng ride na nga lang,
minsan kailangan pa langisan
para lang maging swabe ang ikot.

Iba-ibang tao,
kanya-kanyang dahilan sa pagsakay:
saya;
lungkot;
bagot.
Pero lahat, pag sawa na,
lilipat lang sa ibang rides.

Pulos bata na lang ang natutuwa.
Di na kinakaya
kakaibang saya
na hanap ng mga matatanda.

Magkaron man ng ibang rides
na mas exciting,
o mas high tech...
"Octopus"?
"Bump car"?
Bahagi na ng peryang ito

ang chubibo.